unity walk. solidarity walk.
parang isang pagtatanghal lang sa entablado kung titignan natin. naglalakad ang mga kontra-bida upang magpulong at magdesenyo pa ng mga pamamaraan paano makakapanatili ang pagkakamal nila ng kita at yaman mula sa mga biktima nila: ang mamamayang PILIPINO.
subukan natin suriin. may makikita tayong matining na pagkakapareho ng mga magkakaibang "unity" o "solidarity" walk diumano na inilunsad kasama ang peke-korap-pasista-pahirap-sa-masang pangulo na si GLORIA MACAPAGAL-ARROYO.

"ang galit na mamamayan ay hindi mo
kailanman maitatago. kapara na ang katotohanan ay di mo kailanman maibabaon sa
hukay... nalalantad na sa mamamayan ang nakakarimarim mong krimen sa BAYAN ni
JUAN. kaya maghanda ka...humanda ka na GLORIA. sa sama-samang pagkilos ng
malawak na masang binusabos ng iyong rehimen: LINTIK lang ANG WALANG
GANTI."
lahat ng ito ay inilunsad sa loob ng malakanyang.
at ang mga lumahok, lahat may tinanggap mula sa malakanyang. libreng pakain. pabuyang salapi para sa pagbibigay ng panahon na makipag-lokohan sa pakulo ng pangulo para pasinungalingan di-umano ang mga panawagan ng malawak na mamamayan na pagpapababa sa kanya sa pwesto. na madami pa din diumano ang sumusuporta sa kanya.
tanong: ang mga gobernador ba at mga alkalde mula sa iba't-ibang lalawigan na lantad ang pagkatuta sa pandak ay kumakatawan talaga sa kanilang nasasakupan? ang mga barangay officials na nakasama sa mga unity walk diumano ay nagpapakita ba ng mayorya ng mga barangay ay pumapanig pa din kay GLORIA?
mahusay ang malakanyang sa paggamit ng mga pakulo. at kahit sa paggamit ng mga numero. hindi natin iyan maitatanggi kung paanong mula sa HELLO GARCI ay ginamit nila ang husay sa paggamit at pagmamanipula ng bilang na mamintina ang isang milyong kalamangan, ngayon gamit pa din nila ang numero ng manipulasyon para linlangin ang taongbayan. mula sa pagtaas (nangangahulugan ng pagganda) daw diumano ng ekonomiya sa ilalim ng kanyang panunungkulan hanggang sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya. hanggang sa numero ng mga perang pantakip at pantapal para manahimik at patuloy na sumoporta sa kanya. sadayang mahusay. napakatuso.
sa kabila ng lahat na ito. hinding-hindi kayang malinlang ang talino ng mamamayan. at mas lalong hindi marunong magsinungaling ng mga bilang. ng ma numero mismo. at ng bilang nga milyun-milyong sikmurang patuloy na kumakalam.
labis na ang pagkaganid ni GLORIA sa pwesto at lahat ng pamamaraan ay gagawin niya para sa desperasyon na makapanatili sa pwesto kahit pa tapalan niya o tapatan ng presyo ang mga mata, tenga, pandama, sikmura ng mga taong patuloy na naaatim magpagamit sa kanya.
hindi na tayo dapat magulat sa ganitong hakbang o pamamaraan ng malakanayang. pero kung papansinin natin, hindi ba't takot na takot at ipinapakita lang ng mga "unity" o "solidarity" walk na ito ang labis na pagkatakot at desperasyon ng buwisit na pandak sa malakanyang sa patuloy na makapanatili sa pwesto.
wala itong ipinag-iba sa pamumudmod ng mga paper bag na may lamang ilang daang libong piso para sa mga diumano'y proyekto ng mga lider ng bawat probinsya sa bansa.
ang isang nakakapanggalit sa mga unity walk na ito ay iyong paggamit ultimo sa isang libong mga kabataan-estudyante para sa sarili nyang interes. ang ilan diumano ay sapilitan o inubligang dumalo dahil lamang sa diwa na sila ay nakapailalim sa iskolarship na ibinigay diumano ng pekeng pangulo na si GMA. ang iba na nasa talaan ng isang-libong kabataan-estudyante ay mga kabataan na nagmula sa mga anti-GMA na organisasyon.
nakakatawa. sadyang labis na ang desperasyon ng rehimeng US-Arroyo para makapanatili sa pwesto at ibayo pang pahirapan at busabusin ang milyun-milyong mamamayang pilipino. ano pa nga ba ang hindi kayang gawin ng duwendeng ito at ang mga tuta niya sa malakanyang.
mula sa mga paper bag na puno ng ilang daang libong piso, mga kontratrang overpriced para makapangurakot, mga panunuhol at pantatapal sa hanay ng pulisya at militar. fertilizer scam, naia III-piatco, jose pidal, hello garci, ang pinakamahal na daang diosdado macapagal blvd, political repression at political killings, cyber-ed, nbn-zte deal... tila pagsumikapan man nating isa-isahin sa pitak na ito ang mga kasalanan ni Gloria Macapagal-Arroyo ay mukhang hindi magkakasya.
isa lang ang malinaw. nabubulok at nakakasulasok na sa sikmura ang pagkaganid at pagka-demonyo ng peke-korap-pasista-pahirap-sa-masang si GLORIA MACAPAGAL-ARROYO. panahon na upang kumilos tayo. kagaya nang lagi't laging nasisilayan natin sa mga telenovela na kinahuhumalingan natin sa bawat panahon, ang MASANG INAAPI (na siyang bida) ay babangon at kikilos upang wakasan ang labis na pagpapahirap ng mga KONTRABIDANG mga nasa malakanyang na mayroong sanglaksang hukbo (AFP at PNP), partikular ang matataas na opisyal nito na ganid at uhaw din sa pambubusabos tulad ng kanilang amo.
ang galit na mamamayan ay hindi mo kailanman maitatago. kapara na ang katotohanan ay di mo kailanman maibabaon sa hukay. ang BAHO na nilikha ng iyong rehimen ay di kailanman maihihiwalay sa pang-amoy ng mamamayang iyong biniktima. sisingaw at sisingaw ang BAHO mo ito magtutulak sa taongbayan upang kumilos at arestuhin ka. nalalantad na sa mamamayan ang nakakarimarim mong krimen sa BAYAN ni JUAN. kaya maghanda ka.
humanda ka na GLORIA. sa sama-samang pagkilos ng malawak na masang binusabos ng iyong rehimen: LINTIK lang ANG WALANG GANTI.

No comments:
Post a Comment