Wednesday, December 17, 2008

for the UP students: an open letter from the OSR

In Defense of Student Representation

An Open Letter from the Office of the Student Regent

Warm greetings!

As the university heads to the final days of its year-long centennial celebration, I have observed that one historical landmark of the students’ democratic struggle inside the academe remains largely ignored- the creation of the Office of the Student Regent (OSR).

Now that the university looks back on its 100 years of existence, the significance of the OSR must not be ignored or forgotten. For the office is a concrete product of the UP Students’ sustained efforts for the representation in the Board of Regents (BOR), the highest policy-making body in the University. The BOR was once dominated by personalities appointed by Marcos. And although the students formed the largest sector in the university, there was no student representative in the body.

The students, however, fearlessly pushed for their democratic rights. Even during Martial Law, they held massive student demonstrations inside and outside the academe, determined in the face of repression from both Malacanang and the UP Administration. As the students’ campaign reached its peak, the administration relented. Pres. Corazon Aquino approved Executive Order No. 204, which led to the inauguration of the OSR. Since then, the office has become a symbol of victory for the UP studentry in asserting their democratic demands to the BOR.

Historically, the office has spearheaded the fight for greater state subsidy by initiating lobbying efforts in Congress and student actions. It has also stood up against discrimination on the basis of class, gender, race and religion. For this is the mandate of the OSR- to safeguard the interests of the students at all times.

Despite several attempts to render the OSR impotent in its duty to serve the students and the people, it has struggled to remain loyal to its function by pushing for measures to ensure the quality and accessibility of UP education and to realign the thrust of the university along the democratic interests of the people. At the locus of the campaign for student rights and welfare across UP units is the sole student representative to the BOR.

Ironically, the OSR is hounded by uncertainties, even as the whole university looks confidently to another 100 years. Traditionally, the General Assembly of Student Councils approves the Codified Rules for Student Regent Selection. The new UP Charter, however, obliges a referendum of students in order to approve the selection process for the Student Regent. The mandatory referendum is a move by the state and administration to invalidate the student-crafted selection process which exhibits student autonomy and self-governance.

A referendum is a logistical difficulty. The process requires more than half of the entire population of UP students nationwide to cast their votes in favor of the OSR. There are two possible scenarios, should the students fail to clinch the majority vote: the office may be left vacant, leaving the students without representation in the BOR, or the office may still be occupied, but by a Malacanang-appointed student regent. Either way, the institutional autonomy of the OSR is undermined. This presents dangerous implications for the office, whose commitment to democratic rights is ensured, in part, by its independence from Malacanang and administration intervention.

Sadly, these bleak scenarios come at a time when student representation in the BOR is much needed. Today, the rightful role of students in the development of the university and country is being challenged at all fronts, from the reduction of state subsidy to the militarization of campuses. It is worth noting that year after year, the state has slashed added income. Meanwhile, legitimate student institutions and formations at the forefront of campaigns against commercialization are met with suppression.

At this landmark moment in history, there is no other way to succeed over threats against our rights to representation than to collectively rise up to the challenge of a referendum. At a time of crisis, we are tasked to protect, defend, and uphold our sole voice in the BOR, in the same way that we are tasked to advance our democratic struggle against commercialization of education and campus repression, not just for ourselves but for the future generations. Now that the office is in peril, let us continue the spirit of vigilance and persistence that led to the founding of the OSR.

With the firm resolve demonstrated by those who fought for the OSR, I call on the broadest number of UP students across the entire university system to support the campaign to defend the OSR and prove, once and for all, that measures meant to impede our democratic rights shall fail against the collective militancy of the students. By defending our basic rights to be represented, we concretely reaffirm our democratic struggle for greater state subsidy, for tambayans, and for our right to organize.

Once more, history demands that students register the potency of collective action in the fight for freedom and democracy inside and outside the university. We will respond to this challenge, valiant and united.

SHAHANA ABDULWAHID

University of the Philippines Student Regent

FIGHT FOR STUDENT RIGHTS AND REPRESENTATION!

BE PART OF OUR CAMPAIGN TO DEFEND THE OSR!

Join the OSR Volunteer Corps

Contact 0916-26351-43 (UP Diliman)

To All UP students: this is a must...


Kilala mo ba si Ate Shan? Alam mo ba ang silbi ng isang student regent? Alam mo na ba ang mga nagawa ng ating student regent para sa atin? So ano kung kelangan ng referendum para sa student regent selection?

MAGING MAALAM.

The student regent is the sole student representation of the 50,000 students of the UP from Luzon to Mindanao. The sole voice in the highest policy-making body in up ensuring that our constitutional right to education is guaranteed. This year, with the new provisions indicated in the UP Charter, 25,000 students must engage in this year's student regent selection. This provision is definitely a challenge, but we, Iskolars ng Bayan will collectively stand up to such challenge. We will prove once more that in these times when there are incessant increases in tuition and other fees augment the meager budget of UP, we will rise up against schemes to further commodify education and we will make sure that we shall protect, uphold and defend the student representation in the Board of Regents.

LET'S VOTE!
from JANUARY 19-23, the student referendum will be voted upon. VOTE YES for our student regent. VOTE YES for keeping alive our only voice in the BOR.

VOTE YES!
VOTE YES!

Monday, December 8, 2008

panawagang panunungkulan para kay Prof. Sarah Raymundo
(ipagtanggol ang karapatang pantao!)

itapat ang cursor at pindutin sa alin mang mga online petition na ikaw ay maaaring kabilang:


To: Sociology Department Chair Dr. Clemen Aquino, CSSP Dean Dr. Zosimo Lee and UP Diliman Chancellor Sergio Cao

We, faculty members of various schools, colleges and universities (excluding the University of the Philippines) in and outside the Philippines call for justice and tenure to Prof. Sarah Raymundo.

Last November 6, the chair of the Department of Sociology, College of Social Sciences and Philosophy (CSSP), UP Diliman verbally informed Prof. Sarah Raymundo that the tenured faculty of the department decided to deny her application for tenure. Further, she was told to refrain from meeting her classes until further notice.

Since her application for tenure in February 2008, and after nine long years of outstanding academic work, Prof. Sarah is bound to get nothing for her hard work and dedication to the University. Not even any clear and written explanation of her non-tenure.

Indeed, this is shocking news.

What puzzles us most is that Prof. Raymundo has published articles in refereed journals, is an outstanding researcher, and has been invited to speak and participate in colloquia here and abroad. Her work as a scholar and educator actualizes both academic excellence and social responsibility - core missions of the University that is regarded as the premiere state university.

Given her outstanding academic and extension work, we are led to believe that her department's decision is a reaction to her engagements as the General Secretary of the Congress of Teachers / Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND-UP), as an active member of the All UP Academic Employees Union (AUPAEU) and National Treasurer of the Alliance of Concerned Teachers (ACT), and as a researcher for the militant human rights organization KARAPATAN.

Thus this case is not only about Prof. Sarah's solo fight for survival in the University. This can be the start of a crackdown directed toward progressive faculty and academic union members.

We are called to challenge the lack of transparency in the tenure process. Further, we are called to expose and resist all schemes of political repression and all attacks to our democratic rights.

Prof. Raymundo has served the University for almost a decade. Needless to say, she has served well the University and its constituents. We reiterate our call for the granting of tenure to Prof. Sarah Raymundo.


"Sa papatinding krisis pang-ekonomiya at pampulitika sa kasalukuyan, sadyang hindi nawawalan ng paraan ang mapagsamantalang rehimeng US-Arroyo na supilin at ibayo pang ilugmok sa busabos na kalagayan ang kanyang mamamayan. Ang pasismo ng estado ay patuloy na naghahasik ng lagim at pangunahing tinututok sa mga progresibo't militanteng organisasyon at indibidwal. Subalit sa aspetong pagngigipit at pananakot, hinding hindi uurong ang sambayanang patuloy na lumalaban upang makamit ang panlipunang hustisya at pagbabago! Sa panggigipit kay Prof. Sarah Raymundo, maihahalintulad ito sa iba pang sinusupil at ginigipit ng estado:

Batasan6 mga progresibo't militanteng mambatas na kritikal sa rehimeng arroyo at kinasuhan ng rebelyon.
Tagaytay 5 pinalaya matapos ang mahigit dalawang taon bilang mga detenadong pulitikal.
Southern Tagalog 27, inakusahan ng pambobomba at panununog sa Globe Telecom Cell site at kinasuhan ng arson, destruction of properties and conspiracy to commit rebellion. kabilang dito ang Silang 9, mga aktibistang dinukot at tinortyur noong ika-31 ng Agosto, 2008 sa Tartaria, Cavite.
Mindoro 72- inakusahan ng multiple murder and frustrated murder.

Lahat sila at maraming iba pa, kasama si Prof. Sarah Raymundo, ay mga personalidad na nagsisiwalat ng kabulukan ng rehimeng US-Arroyo. Sa nagaganap na malawakang panunupil sa lahat ng paraan at pormang alam at kaya nitong gobyernong mapagsamantala sa kanyang mamamayan, tinatawagan ang lahat, bahagi ka man ng UP community o nasa labas ka nito, na patuloy na manindigan at mapangahas na makibaka at lumaban. Lumahok sa paglaban sa mga paglabag sa karapatang pantao.


Tutulan ang represyong pulitikal!
Itaguyod ang kalayaang pang-akademiko!
Ipagtanggol ang guro at iskolar ng bayan!
Katarungan at tenure kay Propesor Sarah Raymundo!
UP ang galing mo, ialay sa bayan!
Ipagtanggol ang karapatan pantao!
Patalsikin si Gloria Macapagal-Arroyo!"

-
Image by FlamingText.com

panawagan(ipagtanggol ang karapatang pantao!)

"Sa papatinding krisis pang-ekonomiya at pampulitika sa kasalukuyan, sadyang hindi nawawalan ng paraan ang mapagsamantalang rehimeng US-Arroyo na supilin at ibayo pang ilugmok sa busabos na kalagayan ang kanyang mamamayan. Ang pasismo ng estado ay patuloy na naghahasik ng lagim at pangunahing tinututok sa mga progresibo't militanteng organisasyon at indibidwal. Subalit sa aspetong pagngigipit at pananakot, hinding hindi uurong ang sambayanang patuloy na lumalaban upang makamit ang panlipunang hustisya at pagbabago! Sa panggigipit kay Prof. Sarah Raymundo, maihahalintulad ito sa iba pang sinusupil at ginigipit ng estado:
Batasan6 mga progresibo't militanteng mambatas na kritikal sa rehimeng arroyo at kinasuhan ng rebelyon.
Tagaytay 5
pinalaya matapos ang mahigit dalawang taon bilang mga detenadong pulitikal.
Southern Tagalog 27, inakusahan ng pambobomba at panununog sa Globe Telecom Cell site at kinasuhan ng arson, destruction of properties and conspiracy to commit rebellion. kabilang dito ang Silang 9, mga aktibistang dinukot at tinortyur noong ika-31 ng Agosto, 2008 sa Tartaria, Cavite.
Mindoro 72- inakusahan ng multiple murder and frustrated murder.

lahat sila at maraming iba pa, kasama si Prof. Sarah Raymundo, ay mga personalidad na nagsisiwalat ng kabulukan ng rehimeng US-Arroyo. Sa nagaganap na malawakang panunupil sa lahat ng paraan at pormang alam at kaya nitong gobyernong mapagsamantala sa kanyang mamamayan, tinatawagan ang lahat na patuloy na manindigan at mapangahas na makibaka at lumaban.

Ipagtanggol ang karapatan pantao!
Patalsikin si Gloria Macapagal-Arroyo!"

-
Image by FlamingText.com

http://www.petitiononline.com/sarahint/

http://tenureforsarahraymundo.blogspot.com

To: Sociology Department Chair Dr. Clemen Aquino, CSSP Dean Dr. Zosimo Lee and UP Diliman Chancellor Sergio Cao

We, faculty members of various schools, colleges and universities (excluding the University of the Philippines) in and outside the Philippines call for justice and tenure to Prof. Sarah Raymundo.

Last November 6, the chair of the Department of Sociology, College of Social Sciences and Philosophy (CSSP), UP Diliman verbally informed Prof. Sarah Raymundo that the tenured faculty of the department decided to deny her application for tenure. Further, she was told to refrain from meeting her classes until further notice.

Since her application for tenure in February 2008, and after nine long years of outstanding academic work, Prof. Sarah is bound to get nothing for her hard work and dedication to the University. Not even any clear and written explanation of her non-tenure.

Indeed, this is shocking news.

What puzzles us most is that Prof. Raymundo has published articles in refereed journals, is an outstanding researcher, and has been invited to speak and participate in colloquia here and abroad. Her work as a scholar and educator actualizes both academic excellence and social responsibility - core missions of the University that is regarded as the premiere state university.

Given her outstanding academic and extension work, we are led to believe that her department's decision is a reaction to her engagements as the General Secretary of the Congress of Teachers / Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND-UP), as an active member of the All UP Academic Employees Union (AUPAEU) and National Treasurer of the Alliance of Concerned Teachers (ACT), and as a researcher for the militant human rights organization KARAPATAN.

Thus this case is not only about Prof. Sarah's solo fight for survival in the University. This can be the start of a crackdown directed toward progressive faculty and academic union members.

We are called to challenge the lack of transparency in the tenure process. Further, we are called to expose and resist all schemes of political repression and all attacks to our democratic rights.

Prof. Raymundo has served the University for almost a decade. Needless to say, she has served well the University and its constituents. We reiterate our call for the granting of tenure to Prof. Sarah Raymundo.

Wednesday, November 5, 2008

OBAMA na ang bagong presidente!

eh ano ngayon?
may mababago ba sa pagsasamantala ng impe sa sambayanan?

hindi lang dapat tayo maghintay ng kung ano ang kanyang gagawin, dapat tayong maging mapagmatyag at patuloy pa din sa pakikibaka.


CONDEMN the continuing crackdown of this FASCIST US_ARROYO REGIME against militant activist (repost)

Alliance for the Advancement of People’s Rights

KARAPATAN - SOUTHERN TAGALOG

Press Release

November 3, 2008

Reference: Glen Malabanan, Deputy Secetary General, KARAPATAN-ST,

Peasant Leader in Cavite Nabbed as crackdown against militant activists in Southern Tagalog continue

On November 3, 2008, at 7:30 in the evening, Katipunan ng mga Magbubukid sa Kabite (Kamagsasaka-Ka) spokesperson Rogelio Galit was taken by around 15 armed men wearing civilian clothes, from his house in Brgy. Kaong, Silang Cavite. Initial reports say Galit will be brought to Camp Vicente Lim in Calamba City. Galit is suffering from diabetis and is already bedridden.

Galit is among 72 others who were accused of committing multiple murder and multiple frustrated murder in an NPA ambush in Puerto Galera, Mindoro Oriental last March 3, 2006. The charges were filed at the Calapan City Regional Trial Court under Judge Tomas Leynes. Around 30 of the 72 accused are activist leaders and members of militant people’s organizations.

Glen Malabanan, Deputy Secretary General of the Human Rights group Karapatan-Southern Tagalog said the charges were fabricated and is still part of the Arroyo administrations on going campaign to silence militant activists.

“This tactic of wholesale filing of criminal charges against militant activists is a systematic effort of the Arroyo regime’s internal security agencies. It is still under Arroyo’s counter-insurgency program Oplan Bantay Laya which aims to neutralize groups it considers leftist or communist,” Malabanan said.

Among those facing criminal charges are prominent regional and provincial leaders in Southern Tagalog including:

· Arman Albarillo, Sec. Gen, Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (Bayan-ST); a signatory in the 2008 impeachment complaint against President Arroyo;

· Bayani Cambronero, 8th Partylist nominee and Southern Tagalog Regional Coordinator, Bayan Muna;

· Romeo Legaspi, Chairperson, Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU)

· Rolando Mingo, President, Southern Tagalog Region Transport Sector Organization, (STARTER); Vice President, Pinagkaisang Lakas ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON)

· Orly Marcellana, Secretary General, Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK); Chairperson, Bayan-ST

· Doris Cuario, Secretary General, Alliance for the Advancement of People’s Rights – Southern Tagalog (KARAPATAN)

· Helen Asdolo, Secretary General, National Alliance of Women’s Organizations in the Philippines (GABRIELA) - Southern Tagalog; 5th partylist nominee, Gabriela Women’s Party

· Atty. Remigio Saladero, Legal Counsel, KMU; Founding Member, National Union of People’s Lawyers; Labor Lawyer, Pro-Labor Legal Assistance Center (PLACE); Regular columnist, Pinoy Weekly

Three of the accused are already imprisoned in Calapan City. The illegal arrests bagan with Atty. Remigio Saladero last October 23 in Antipolo City, followed by Nestor San Jose on October 24 in Teresa, Rizal, and Crispin Zapanta on October 27 also in Antipolo City.

San Jose is a transport leader and Anakpawis Partylist coordinator while Zapanta is a member of Bayan Muna.

Malaban said the charges were meant to paralyze these activists by trying to detain them or force them into hiding.

Prior to the arrest of Atty. Saladero, another complaint against Southern Tagalog activists, was also filed in the Batangas Provincial Prosecutor’s Office by Marlo Timbreza in behalf of Globe telecoms, regarding the burning and bombing of a Globe cellsite in Lemery Batangas last August 2, 2008. Timbreza alleged that 27 persons, mostly activists, committed arson, destruction of private property and conspiracy to commit rebellion.

17 of the 27 facing the complaint in Batangas are also in the Mindoro case, including Atty. Saladero, San Jose, Galit, Cambronero, Mingo, among others.

Malabanan said that it is not unlikely that the Arroyo regime is again using Southern Tagalog as a laboratory for this new wave of political repression as it did before launching on a nationwide scale, the policy of extrajudicial killings. From 2001 to March 2008, Karapatan-ST has documented 167 victims of extrajudicial killings and 31 of enforced disappearance in the region.

On November 5, groups led by Bayan-ST and Karapatan-ST are set to stage a rally at the Department of Justice in Manila.#

Tuesday, October 7, 2008

[muling ipinaskil] Payo sa Estudyanteng Mahilig Mag-aral

mula kay Danilo AraƱa Arao

NAPAPANGITI ka na ngayon dahil patapos na ang klase. Kukuha ka na lang ng mga pinal na eksaminasyon at tatapusin ang iba pang kinakailangan para sa mga klase mo. Ngayon pa lang, baka may ideya ka na kung ano ang grado mo para sa semestreng ito.

Malaki ba ang tsansa mong magtapos sa kolehiyo nang may karangalan? Sana naman.

Binabati kita sa patuloy mong pagpupunyagi para matapos ang kursong kinukuha mo. Kakaunti lang sa ating kabataan ang may oportunidad na makatuntong sa kolehiyo, at magandang isiping hindi mo sinasayang ang mga pinaghirapan ng iyong magulang.

At may dahilan naman ang araw-araw mong "pakikibaka" sa loob ng klasrum: Malamang na inaasahan ka ng mga mahal mo sa buhay na bigyan sila ng magandang bukas. Ginagawa nila ang lahat para maging magaan ang iyong buhay sa kolehiyo. Hindi ka masyadong nag-aalala sa mga gastusin sa eskuwelahan, at handa silang magbigay ng anumang kailangan mo.

Para sa iyo, napakalaki nang pakikibaka ang pag-intindi sa mga paksang napakahirap matutuhan tulad ng pagsusulat at matematika. At dahil hindi opsiyon ang pagbagsak mo sa klase, sinusunod mong lahat ng sabihin sa iyo ng mga propesor, at minsan nga'y hindi mo na sinusuri kung natututo ka ba sa mga proyektong pinapagawa sa iyo at sa mga eksaminasyong kinukuha mo.

Ang iyong edukasyon ay napapako na lang sa simpleng pagmemorya ng mga konsepto't teorya, at hindi mo na isinasakonteksto ang mga ito sa sitwasyon ng ating lipunan.

Sa isang banda, bakit mo nga naman kailangang iugnay pa ang anumang natututuhan mo sa klasrum sa iyong mga nakikita sa labas nito? Hindi naman ito kailangan sa klase at siyempre'y hindi kasama sa pagkompyut sa inaasam mong mataas na grado. Limitado lang ang alam mo sa sitwasyon ng ating bayan. Mula sa eskuwelahan, deretso ka na sa bahay para muling magsunog ng kilay bilang paghahanda sa mga susunod pang klase.

Napapansin mong may ilan kang kaklaseng may ibang disposisyon sa buhay. Madalas na nakasuot sila ng pula at matiyaga silang mag-anyaya sa iyong sumama sa anumang kilos-protestang inoorganisa nila. Magalang kang tumatanggi sa kanila, at kung minsa'y ngang nagsasabi kang gustuhin mo mang sumama ay may iba ka pang mahalagang "lakad."

Pero aminin mo: Ayaw mo talagang sumama sa kanila, kahit panandalian lang, dahil iba ang iyong paniniwala. Gusto mong manatiling isang simpleng estudyanteng may perspektibang tapusin ang pag-aaral at magkaroon ng pang-akademikong karangalan. Hindi mo dapat talikuran ang iyong obligasyon sa pamilya dahil inaasahan ka nila.

Kumpara sa ibang estudyanteng ginugugol ang panahon sa pagbubulakbol, talaga namang may dahilan para ipagmalaki ka ng iyong mga mahal sa buhay.

Sa puntong ito, mainam lang na isipin mo kung ang iyong dahilan ba ay may kabuluhan. Kahit na hindi masamang itaguyod ang sariling kapakanan at pamilya, nararapat lang na isipin din at iugnay ang indibwal sa lipunan, ang personal sa pulitikal.

Ang pagbabago ng disposisyon ay hindi nangangahulugan ng pagtalikod sa mga pang-akademikong obligasyon bilang estudyante, bagama't malinaw na ito ay dagdag na responsibilidad para sa iyo. Pero kung alam mo ang kahalagahan ng iyong ginagawa, maniwala kang hindi magiging personal na bagahe ang anumang gagawin mo sa labas ng klasrum.

Kung susuriin mo lang ang nangyayari sa lipunan at isasakonteksto ang personal na ambisyon sa kapakanan ng bayan, malalaman mo kung bakit kailangang kumilos para sa pagbabago ang malawak na bilang ng kabataan.

Sa katunayan, inaasahan ito sa iyo dahil nabubuhay tayong lahat sa isang panahong kailangang kumilos ang lahat (kahit ang kabataang katulad mo) para makamit ang minimithing pagbabago sa lipunan. Kung nakatira ka sa kalunsuran, malamang na hindi mo agarang mapapansin ang mga manipestasyon ng tumitinding paghihirap ng nakararaming mamamayan at pangkabuuang kahirapan sa ating bayan.

Kilalanin mong mabuti ang mga kaklase mong may ibang disposisyon sa buhay. Ang talino nila'y ginagamit hindi lang sa pang-akademikong pag-aaral kundi sa pagsusuri ng nangyayari sa ating paligid.

Madalas mong marinig mula sa kanila ang argumentong hindi makikita sa apat na sulok ng klasrum ang edukasyong kinakailangan ng kabataan, dahil ang pagkamulat ay mangyayari lang sa labas nito. Hindi ito simpleng diskurso ng mga estudyanteng walang magawa sa buhay. Ito ang klase ng pag-aaral na ginagawa nila.

Naghihintay ang mahaba-habang bakasyon ngayong Oktubre bago ka bumalik sa eskuwelahan para sa ikalawang semestre. Mas makabuluhang "pakikibaka" ang naghihintay sa iyo kung magdesisyon kang palawakin at palalimin pa ang iyong pag-aaral.



Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Monday, October 6, 2008

BOYKOT KOWLOON HOUSE

"Maaaring manggagawa ka na din... o kaya ang iyong mga magulang ay kapara nilang mga manggagawang lumilikha ng mga bagay na nagpapanatili ng silbi ng buhay... at dahil dito hindi hiwalay ang laban nila sa laban ng mamamayang Pilipino na sa kasalukuyan ay patuloy na pinagsasamantalahan ng mga ganid na nasa pwesto mga ganid na kapitalista at may-ari ng malalaking empresa hasyenda at makinaryang nagtutulak sa mamamayan sa busabos na kalagayan lumahok ka sa paglaban!"



INSTRUCTIONS: Please read the petition first before signing INSTRUCTIONS:/ Please sign by writing your NAME/SCHOOL/PLACE OF WORK/WEBSITE[if any]/ORGANIZATION & Position[if any]) INSTRUCTIONS: Whenever the signatures reach to a hundred (ex. 100, 200, 300 and so forth), please forward to solidarity125.up.diliman@gmail.com

INSTRUCTIONS: For more information, please email us at solidarity125.up.diliman@gmail.com

We, the undersigned, support the ongoing strike of the workers of the Kowloon Restaurant in West Avenue, Quezon City. We support the strike as a legitimate way for the workers to defend their rights, in the face of a Restaurant Management that has violated minimum wage laws, and a National Labor Relations Commission that does not base its decisions on the Law it is supposed to uphold. We support the workers in their call for the Management to follow minimum wage laws. As of present, the minimum wage for workers in the National Capital Region is at P382. Yet, before the workers held picket-protests last June 20-21, the 2 most recent wage hikes (amounting to P82) were not being implemented by the Management. We support the workers in their call for the National Labor Relations Commission to reverse its decision calling the picket-protests an “illegal strike”. The Labor Code clearly states that a strike is a “disruption of operations”. Yet, the pickets were held outside the workers’ work hours, and away from the entrances of the Restaurant. This decision is the supposed legal basis for firing all 73 workers who are members of their union. We support the workers in calling for the reinstatement all 73 of them who were fired for simply exercising their rights to free speech and peaceful assembly, rights that are enshrined in our Constitution. We call on the Department of Labor and Employment, and other concerned Government agencies, to investigate and take action on the following: the Management’s violation of the minimum wage (including paying all its contractual employees a minimum daily wage of P250), the unjust decision of the NLRC, the illegal termination of the 73 workers, and the presence of policemen that violate the Labor Code’s banning of policemen and military within 50 meters of any picket line. MOST IMPORTANTLY, we urge all our fellow Filipinos to support the strike of the Kowloon workers by boycotting the Kowloon Restaurant until the Management reinstates the 73 workers, and pays them the Minimum Wage that is mandated by law. We urge everyone to sign this petition and forward it to everyone they know, until it reaches concerned authorities. Signed,
1. Will Ann Mardo / UPD-NCPAG / Lead Convener, Solidarity 125-UP Diliman
2. Ma. Carmela Julita Lagang / UPD-CSWCD / Lead Convener, Solidarity 125-UP Diliman; University Student Council
3. Gem Garcia / UPD-CMC / redbutterfly766.multiply.com / Chairperson, ANAKBAYAN-UP Diliman
4. Ma. Vida Malaya / UPD-CSWCD / ANAKBAYAN-UPD
5. Menard Seguenza / UPD-CAL / College of Arts and Letters Student Council, Sigma Kappa Pi Fraternity
6. Julian Makilan / UPD-CHE / Secretary General, Alay Sining
7. Anna Katrina Tejero / UPD-CMC / tejjy.multiply.com / ANAKBAYAN-UPD
8. Soraya Escandor / 8703aiaaia.multiply.com / UPD-CE / ANAKBAYAN-UPD
9. Yasmin Ongay / UPD-CSWCD / UP Muslim Students Association
10. Faye delos Santos / UPD-CEd / fayeroahspeaks.multiply.com
11. Kamz Deligente / UPM-CAS / ASAP-KATIPUNAN, Kasama sa UP Executive Vice-Chair
12. Jigs Tenorio / UPM-CAS / Chairperson, College of Arts and SCIENCES Student Council
13. Erica Chester Bucog / UPM-CAS / Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan
14. Rafael Antonio Dulce / UPD-CSWCD / redstudentswill.multiply.com / National Vice-Chair, ANAKBAYAN; University Student Council 07-08
15. Rex Nepomuceno / UPD-KAL / ANAKBAYAN
16. Jay del Rosario / UPM-CAS / lucasusf.multiply.com / Chairman, Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan - UPM , CAL SC 07-08
17. Arianne Johan Catsao / UPM-CAS / ariannejohan.multiply.com / Anakbayan
18. Adam Gorospe / UPD-CSWCD / shinhikaru.multiply.com / Vice President, UP Methodist Student Movement; Batch 7A Representative, UP Daluyong
19. Mennie Ruth Viray / UPD -SLIS Student Council / Sigma Delta Pi Sorority
20. Ansherina Grace Talavera / UPD-NCPAG / ANAKBAYAN-UPD / lostjedi.multiply.com / Chairperson, PULSE-NCPAG
21. Jason Listana Prila / UP-ARKI /up harong, up explore
22. E L L B / UPD-CSSP / Alay Sining
23.
F E B T / UPD-CSSP / Propaganda Officer 07-08, Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP (STAND-UP)
24. F
A B T / UPD-CAL / binbinized.multiply.com / Alay Sining
25.
Karen Elec Lapitan/ UP Los BaƱos/ Center for Nationalist Studies
26. Trixie Dauz/ UPD-CAL / muzstay4u.multiply.com / UP Theater Council, UP JMA
27. Rayna Reyes/ ADMU-SOH/ vihuela.multiply.com
28. Alfred Compra Jr. / Ateneo de Davao University / Secretary General SAMAHAN Student Council, Davao Coordinator of Nat'l Union of Students of the Philippines
29. Dakila Kim P. Yee/UPD-CSSP/ VC Socio-Civic Affairs UP PRAXIS/ sigma kappa pi


Sunday, October 5, 2008

Pasismo sa pamantasan at kataksilan ng Akbayan

Pasismo sa pamantasan at kataksilan ng Akbayan

Vencer Crisostomo

SA NAKARAANG buwan, paparami at papatindi ang mga kaso ng panghaharas at paglabag sa mga karapatan ng mga mag-aaral sa kampus: mula sa mga di-makatarungang mga parusa na ipinapataw ng kanya-kanyang mga administrasyon, hanggang panghihimasok ng mga militar at direktang panghaharas sa mga aktibista sa loob ng kampus.

Kamakailan lang, lumabas sa balita ang pagdakip ng mga mag-aaral sa ilang ahente ng militar na kumukuha ng mga litrato at naniniktik sa mga mag-aaral sa PUP (Polytechnic University of the Philippines). Matapos ang insidente, tuluy-tuloy na lantarang nagsagawa ng mapanirang mga propaganda at harassment ang mga sundalo laban sa mga organisasyon ng mga mag-aaral, kabilang ang konseho ng mag-aaral at publikasyon.

Higit pang matindi ang kampanyang ala-batas militar (martial law) sa mga kampus sa mga rehiyon. Sa PUP-Lopez, Quezon, sinampahan ng gawa-gawang kasong rebelyon ang tatlong kasapi ng konseho ng mag-aaral, kasabay ng paninira at pananakot sa kanila at kanilang mga pamilya.

May iba't ibang antas ng paniniktik at panghaharas din na naiulat sa mga yunit ng Unibersidad ng Pilipinas at iba pang paaralan. Gayundin, ipinagmamalaki ng mga sundalo ang paglulunsad ng mga porum sa pampublikong mga hayskul na naninira sa progresibong mga organisasyon ng kabataan at nananakot sa mga mag-aaral.

Noong isang buwan, sa JRU (Jose Rizal University) naman, 19 na mag-aaral ang di-makatarungang sinuspinde, apat dito ang pinatalsik ng administrasyon dahil sa paninindigan nila sa mga katagang "pag-asa ng bayan" at paglulunsad ng kampanyang room-to-room laban sa Value-Added Tax.

Target ng panunupil ang kilusang masang nanguna sa mga walk-out at iba pang protesta ng kabataan at mamamayan laban sa korap at pahirap na rehimeng Arroyo. Takot ang rehimen sa higit pang paglawak at paglakas ng mga organisasyong nagtatanggol sa mga karapatan sa loob at labas ng kampus, lalo't inilalatag nito ang mga hakbang para makapanatili sa puwesto hanggang 2010 at lagpas pa.

Kasabay ng pagtindi ng pasistang mga kampanya sa paaralan, isang batas para sa "karapatan at kagalingan ng mga mag-aaral" ang isinusulong sa Kongreso. Sa una'y aakalaing progresibo pagkat ilalatag ang mga karapatan ng mga mag-aaral. Ngunit sa pagsusuri ng nilalaman, tatambad ang kataksilan ng panukala.

Inilalako ngayon ng Akbayan! Party-list -- isang partidong sa isang kampanya sa halalan ay idineklara ang sarili na "partido ng kabataan" -- ang Straw (Students Rights and Welfare) Bill of 2007 o HB 2584 ni Rep. Risa Hontiveros-Baraquel. Bersiyon nila ito ng nakaraang mga tangka na isabatas ang isang Magna Carta para sa mga mag-aaral. Sa lahat ng bersiyon, ito ang pinakamahaba at pinakadetalyado. Ito rin ang pinakamapinsala.

Inilantad ng iba't ibang organisasyon, sa pangunguna ng NUSP (National Union of Students of the Philippines), sa mga pulong sa loob ng Kongreso na ang mga panukala sa Straw Bill ay higit pang magpapamukhang lehitimo at magpapatigas ng panunupil sa mga pamantasan. Sa mga probisyon nito hinggil sa karapatan sa pag-oorganisa, kalayaan sa pagpapahayag, pagtatayo ng konseho at publikasyon, binibigyan pa nito ng puwang at lisensiya ang administrasyon ng mga paaralan para limitahan at kontrolin ang mga organisasyon, mga aktibidad at mga kalayaan ng mga mag-aaral.

Sa kongkreto, halimbawa, sa pag-apruba sa mga organisasyon sa loob ng paaralan at paglulunsad ng mga aktibidad, binibigyan nito ng masaklaw na kapangyarihan ang OSA (Office of the Student Affairs). Hinggil kalayaan sa pagpapahayag, nais ng probisyon na magkaroon ng isang lugar kung saan doon lang puwedeng magprotesta. Hinggil sa diyaryong pangkampus, pinaboran lang nito ang Campus Journalism Act o CJA, na ginagamit ngayon para ipitin ang pondo at paghigpitan ang mga publikasyong pang-kampus.

Nakakasuklam ang bahagi ng panukala hinggil sa pagtaas ng matrikula kung saan itinatakda na magkaroon ng "minimum na mga pamantayan (minimum standards)" ng konsultasyon sa bawat pagtataas. Sa aktuwal, bogus na konsultasyon gaya ng mga nagaganap sa kasalukuyan ang itinataguyod nito. Kung tutuusin, batay sa karanasan, dapat konsultasyon at pagsang-ayon (consultation and consent) ang isulong na patakaran.

Kataka-taka ring wala sa bersiyon ng Akbayan ang isang probisyong mayroon sa mga nauna, na tutol sa pagpasok ng militar sa mga pamantasan.

Siguro'y hindi nauunawaan ng mga sumulat ng panukala na bawat butas sa kanilang batas na puwedeng gamitin sa paniniil ay sasamantalahin ng administrasyon para kitlin ang karapatan ng mga mag-aaral – tulad ng ginawa sa CJA. Maaari ring wala talaga silang aktuwal na karanasan sa mga pakikibaka laban sa paniniil sa loob ng mga kampus at hindi naiintindihan ang mga implikasyon ng kanilang mga panukala. O, marahil, ito talaga ang kanilang pinipiling posisyon: ang pagbukambibig ng mga karapatan habang sa aktuwal ay pinapanigan ang mga puwersang sumisikil dito.

Para maakit noon ang mga kabataan na bumoto pabor sa kanila, ginamit ng Akbayan sa isa nilang poster ang mukha ni Che Guevara, isang tanyag na lider-rebolusyonaryo at icon ng mga progresibo. Pero ipinapakita ngayon ng kanilang praktika ang tunay na mukha ng kanilang pulitika: panig sa mga kleriko-pasista at taguyod ng tiraniya ni Gloria.

Saturday, June 7, 2008

Lakbayan ng magsasaka, Lakbayan ng mamamayan


Wala na ngang makakapigil sa nag-aalimpuyong damdamin ng mga magsasakang patuloy na binubusabos ng mga huwad na polisiyang ipinapatupad ng papet na gobyernong ito ni gloria-macapagal arroyo. Kahit pa nga harangan sila ng ilang libong mga checkpoint sa lansangan na kanilang babagtasin upang ipanawagan sa taong bayan ang PAGBASURA sa EXTENSION ng CARP (COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM) na isang huwad na polisiyang agraryo at PAGPAPATALSIK kay GLORIA ARROYO ay balewala pa din ito.
Sa kalagitnaan ng inilulunsad ngayong LAKBAYAN ng mga magsasaka mula sa TIMOG KATAGALUGAN, kasabay ng panawagang pagbasura sa huwad na CARP ay malakas na pagkakalampag sa sambayanang PILIPINO na suportahan ang PAGSUSULONG at PAGSASABATAS ang GENUINE AGRARIAN REFORM BILL(GARB) o House Bill 3059 na isinulong ng DAKILANG KONGRESISTA na si KA CRISPIN "KA BEL" BELTRAN, na yumao nitong huling linggo ng nagdaang buwan, at patuloy na isinusulong sa kongreso ng mga progresibong partylist na Bayan Muna, Gabriela, at Anakpawis.

Ipinakita na ng 20-taong pananatili ng CARP na hindi ito polisiyang naglilingkod sa interes ng mga magsasaka kundi sa interes ng mga ganid na PANGINOONG MAY LUPA at mga DAYUHAN na namumuhunan sa sektor ng agrikultura. at sa halip na maglingkod sa interes at kapakanan ng mga mahihirap na magsasaka, lalo lamang nito pinapasahol ang kalagayan ng mga magsasakang Pilipino sa buong bansa dahil ang pondong nakalaan dito ay hindi naman tunay na napupunta sa mga magsasaka kundi sa mga bulsa ng mga korap na pulitiko at mga kasabwat nito sa pangunguna na din ng peke-papet-pahirap-sa-samasang si gloria arroyo. ito din ang batas na nagbibigay laya na ang mga lupang sakahan ay kamkamin at mailipat ng gamit mula sa lupang sakahan patungo sa mga gamit bilang resort, real estate, golf course at iba pa na siyang numero unong kaagaw ng mga dakilang magsasaka natin upang mas makapagpunla ng mga tanim na kailangan ng mamamayan. Isa ang CARP sa dahilan bakit ngayon mayroon tayong dinaranas na krisis sa sektor ng agrikulura partikular sa BIGAS.

IBAYONG paghihirap pa ang daranasin ng mga MAGSASAKA sa pagpapatupad ng extension ng CARP. at ito ang magtutulak pa ng ibayong krisis sa bigas. ang usapin sa TUNAY na REPORMA sa LUPA ay hindi lang usapin ng mga magsasaka kung hindi ng SAMBAYANANG PILIPINO. Usapin din ito ng KABATAANG PILIPINO na siyang labis na naaapektuhan ng KRISIS. KABATAAN, tinatawagan ang iyong pakikilahok sa panawagang IBASURA ANG CARP! KABATAAN, INAASAHAN ang iyong pakikiisa sa panawagang PASASABATAS ng GARB 0 HB 3059! SUMAMA sa panawagan ng sambayanang PAGPAPATALSIK kay GLORIA! ###

Sunday, March 16, 2008

sisingaw at sisingaw ang baho

unity walk. solidarity walk.
parang isang pagtatanghal lang sa entablado kung titignan natin. naglalakad ang mga kontra-bida upang magpulong at magdesenyo pa ng mga pamamaraan paano makakapanatili ang pagkakamal nila ng kita at yaman mula sa mga biktima nila: ang mamamayang PILIPINO.

subukan natin suriin. may makikita tayong matining na pagkakapareho ng mga magkakaibang "unity" o "solidarity" walk diumano na inilunsad kasama ang peke-korap-pasista-pahirap-sa-masang pangulo na si GLORIA MACAPAGAL-ARROYO.

"ang galit na mamamayan ay hindi mo
kailanman maitatago. kapara na ang katotohanan ay di mo kailanman maibabaon sa
hukay... nalalantad na sa mamamayan ang nakakarimarim mong krimen sa BAYAN ni
JUAN. kaya maghanda ka...humanda ka na GLORIA. sa sama-samang pagkilos ng
malawak na masang binusabos ng iyong rehimen: LINTIK lang ANG WALANG
GANTI."
lahat ng ito ay inilunsad sa loob ng malakanyang.
at ang mga lumahok, lahat may tinanggap mula sa malakanyang. libreng pakain. pabuyang salapi para sa pagbibigay ng panahon na makipag-lokohan sa pakulo ng pangulo para pasinungalingan di-umano ang mga panawagan ng malawak na mamamayan na pagpapababa sa kanya sa pwesto. na madami pa din diumano ang sumusuporta sa kanya.
tanong: ang mga gobernador ba at mga alkalde mula sa iba't-ibang lalawigan na lantad ang pagkatuta sa pandak ay kumakatawan talaga sa kanilang nasasakupan? ang mga barangay officials na nakasama sa mga unity walk diumano ay nagpapakita ba ng mayorya ng mga barangay ay pumapanig pa din kay GLORIA?

mahusay ang malakanyang sa paggamit ng mga pakulo. at kahit sa paggamit ng mga numero. hindi natin iyan maitatanggi kung paanong mula sa HELLO GARCI ay ginamit nila ang husay sa paggamit at pagmamanipula ng bilang na mamintina ang isang milyong kalamangan, ngayon gamit pa din nila ang numero ng manipulasyon para linlangin ang taongbayan. mula sa pagtaas (nangangahulugan ng pagganda) daw diumano ng ekonomiya sa ilalim ng kanyang panunungkulan hanggang sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya. hanggang sa numero ng mga perang pantakip at pantapal para manahimik at patuloy na sumoporta sa kanya. sadayang mahusay. napakatuso.

sa kabila ng lahat na ito. hinding-hindi kayang malinlang ang talino ng mamamayan. at mas lalong hindi marunong magsinungaling ng mga bilang. ng ma numero mismo. at ng bilang nga milyun-milyong sikmurang patuloy na kumakalam.
labis na ang pagkaganid ni GLORIA sa pwesto at lahat ng pamamaraan ay gagawin niya para sa desperasyon na makapanatili sa pwesto kahit pa tapalan niya o tapatan ng presyo ang mga mata, tenga, pandama, sikmura ng mga taong patuloy na naaatim magpagamit sa kanya.

hindi na tayo dapat magulat sa ganitong hakbang o pamamaraan ng malakanayang. pero kung papansinin natin, hindi ba't takot na takot at ipinapakita lang ng mga "unity" o "solidarity" walk na ito ang labis na pagkatakot at desperasyon ng buwisit na pandak sa malakanyang sa patuloy na makapanatili sa pwesto.

wala itong ipinag-iba sa pamumudmod ng mga paper bag na may lamang ilang daang libong piso para sa mga diumano'y proyekto ng mga lider ng bawat probinsya sa bansa.
ang isang nakakapanggalit sa mga unity walk na ito ay iyong paggamit ultimo sa isang libong mga kabataan-estudyante para sa sarili nyang interes. ang ilan diumano ay sapilitan o inubligang dumalo dahil lamang sa diwa na sila ay nakapailalim sa iskolarship na ibinigay diumano ng pekeng pangulo na si GMA. ang iba na nasa talaan ng isang-libong kabataan-estudyante ay mga kabataan na nagmula sa mga anti-GMA na organisasyon.

nakakatawa. sadyang labis na ang desperasyon ng rehimeng US-Arroyo para makapanatili sa pwesto at ibayo pang pahirapan at busabusin ang milyun-milyong mamamayang pilipino. ano pa nga ba ang hindi kayang gawin ng duwendeng ito at ang mga tuta niya sa malakanyang.

mula sa mga paper bag na puno ng ilang daang libong piso, mga kontratrang overpriced para makapangurakot, mga panunuhol at pantatapal sa hanay ng pulisya at militar. fertilizer scam, naia III-piatco, jose pidal, hello garci, ang pinakamahal na daang diosdado macapagal blvd, political repression at political killings, cyber-ed, nbn-zte deal... tila pagsumikapan man nating isa-isahin sa pitak na ito ang mga kasalanan ni Gloria Macapagal-Arroyo ay mukhang hindi magkakasya.

isa lang ang malinaw. nabubulok at nakakasulasok na sa sikmura ang pagkaganid at pagka-demonyo ng peke-korap-pasista-pahirap-sa-masang si GLORIA MACAPAGAL-ARROYO. panahon na upang kumilos tayo. kagaya nang lagi't laging nasisilayan natin sa mga telenovela na kinahuhumalingan natin sa bawat panahon, ang MASANG INAAPI (na siyang bida) ay babangon at kikilos upang wakasan ang labis na pagpapahirap ng mga KONTRABIDANG mga nasa malakanyang na mayroong sanglaksang hukbo (AFP at PNP), partikular ang matataas na opisyal nito na ganid at uhaw din sa pambubusabos tulad ng kanilang amo.

ang galit na mamamayan ay hindi mo kailanman maitatago. kapara na ang katotohanan ay di mo kailanman maibabaon sa hukay. ang BAHO na nilikha ng iyong rehimen ay di kailanman maihihiwalay sa pang-amoy ng mamamayang iyong biniktima. sisingaw at sisingaw ang BAHO mo ito magtutulak sa taongbayan upang kumilos at arestuhin ka. nalalantad na sa mamamayan ang nakakarimarim mong krimen sa BAYAN ni JUAN. kaya maghanda ka.

humanda ka na GLORIA. sa sama-samang pagkilos ng malawak na masang binusabos ng iyong rehimen: LINTIK lang ANG WALANG GANTI.

Monday, March 3, 2008

sobra na. tama na. kumilos na. patalsikin si gloria!

hayaan ninyong hiramin ko ang mga katagang iyan. sapagkat hindi ko naman pag-aari ang mga titik at salita sa pamagat ng aking isinusulat ngayon. pero marahil. ang gma nasabing salita ay sapat na upang sa isang banda: mag-isip ka, magnilay, at sa pinakamalapit, magpasya. kumilos. makibaka.

ang hirap ay hindi maiibsan kung tatanga ka lang. kung uupo. mag-dodota. kung mananatili kang nakikialam lang sa kung ano ang kakaiinin. isusuot. pupuntahang paglalakwatsa. habang ang marami ay patuloy na naghihirap dahil sa iyong pagsasawalang bahala. sana usang araw.kahit ilang segundo sa masyadong abala mong mga oras at minuto: MATAUHAN KA AT KUMILOS PARA SA PAGLAHOK SA PAGKAMIT NG TUNAY NA PAGBABAGO.

teka, tapos na muna siguro. saka naman. kahit ang mga titik naghuhumiyaw ng paglaban. nais din nila ng ilang sandali upang humimpil at magnilay ng katahimikan.
pero sana ikaw makapag-isip ka na kaibigan.

kumilos.manindigan.lumaban.